my world. my incoherance

About Me

I'm a Chinese American now studying abroad....here I mostly will write in chinese to practice the language and perhap post some of my works as well.

My Communities

your name:

url:

your message:

November 23rd, 2009

URONG SULONG

Posted by omiko at 08:34 AM on November 23, 2009 in IT World.

Ang hirap nito... Urong sulong... sala sa init, sala sa lamig... umaaraw, umuulan...

Kailangang pigilan dahil hindi naman talaga tama... Pinipilit namin naming maging casual sa isa't isa... pero hindi pa rin maiwasan na magkaroon ng sweet moments... ang hirap... alam kong nahihirapan din sya pero pumili na sya eh... Sana naman ipakita nya na masaya sya sa desisyon na pinili nya para naman makahinga na ako ng maluwag... Mukha namang ayos na sya... Sana nga maging ayos na talaga sya... Pipilitin kong balewalain ang nararamdaman ko sa kanya kung makikita kong ayos na talaga sila... Yun naman talaga ang dapat eh, bago pa ako dumating sa buhay nya... If she really wants to keep me as her friend, fine... So be it... I'm her friend til the end....

Pero kapag naiisip ko na mas masaya sya kapag kasama nya ako, gusto ko syang agawin dun sa pare nya... Pero hindi ko kayang gawin dahil baka panandalian lang tong kasayahan na to...

Maybe, this is really just a phase... Maybe if I'll meet a new guy, i'll forget what I feel for her... Maybe... just maybe...

Currently listening to: Guardian Angel
Currently feeling: mixed up

hugs?!

November 22nd, 2009

ANG RED COUCH AT ANG PAGBALIK NYA SA MUNDO NYA

Posted by omiko at 08:24 AM on November 22, 2009 in IT World.

Eto na to!... The end na yata ng whirlwind romance sa buwan ng nobyembre!

So tama nga ang hinala ko... Nakipagkita sya sa pare nya kahapon... kaya sya biglang nawala... Sabi nya may aayusin lang sya... tapos hindi naman bumalik ng tama sa oras... at nalaman ko kay norms na nagkabalikan na uli sila ang they are trying to work things out... Magsisimula uli sila... hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kanina nung sinabi ni norms yun sa'kin... gusto kong umiyak pero nasa office ako tsaka ayaw lumabas ng luha ko... gumawa na lang ako ng sulat para kay brit... tsaka ng mga notes... at nag-focus sa calls... hindi ko rin sya tinitignan kahit gusto ko... pero pagdating ng lunch namin syempre magkasabay pa rin kami so there's the challenge... Ang pigilan ang halo- halong nararamdaman ko para hindi nya mahalatang hindi okay ang nangyayari... I'm making it easy for her para maging masaya sya sa naging desisyon nya... kahit unti-unti na akong nadudurog... binilisan ko na lang ang pagkain... tapos tumakas na ako nung dumating na si mommy shie... pinabayaan ko na silang mag-usap... napayosi na naman ako... sinamahan ako ni brit sa lung center... yun!... habang nagyoyosi ako, pinagsasabihan nya ako... Dapat daw hindi ko ibinigay agad ng todo ang lahat dahil alam ko namang hindi stable... paano ko gagawin yun kung sa simula pa lang na binuksan ko sa posibilidad ang sarili ko ay ibinigay ko na rin sa kanya ang lahat... For a moment, naramdaman kong sa kanya na umiikot ang mundo ko... Sya lang uli ang nagparamdam sa'kin na umiikot pala ang mundo para sa'kin para lang patigilin nya uli at iwanan na naman akong mag-isa...

Nag-vgh na naman sya... akala ko umuwi na pero pagkatapos ng shift namin, nakita ko sya sa red couch... sa paborito nyang pwesto... mukhang bagong gising pero mas lamang na mukhang galing sa iyak... On the way home, kinakausap sya ni norms... pero ayaw nyang mag-open ng topic tungkol sa kung ano ba ang nararamdaman nya... Bumabalik na naman sya sa malungkot nyang buhay dahil lang sa babaeng yun!... Wala naman syang napapala dun eh... bakit kailangan pa nyang bumalik dun?... Pwede naman nyang tuldukan na lang pero bakit mas ginusto pa nyang balikan yun kesa mag-move on at maging masaya... haaayyyssss... Hindi na rin lang ako nagsalita... pinipilit ko na lang syang intindihin... wala syang energy sa mrt pero ang kulit pa rin nya... Pagbaba namin sa boni, nakahawak sya sa likod ng jacket ko na parang batang mawawala... Pinagtitinginan nga kami ng ibang mga pasahero eh... hanggang sa pag-akyat ng hagdan... Haaaaysssss... paano ba ako magsisimulang mag-move on kung ganun sya sa'kin?... Parang ayaw nya akong bitawan... parang gusto pa rin nya na katulad pa rin kami ng dati kahit na hindi talaga pwede... parang sa'kin sya kumukuha ng lakas sa panahong ito... kaya ko syang suportahan sa desisyon nya pero pakiramdam ko ako naman ang unti-unting nanghihina... ako naman ang unti-unting nawawalan ng depensa sa lahat ng mga bagay na pwedeng makasakit sa'kin... at wala akong matatakbuhan... walang sasalo sa'kin... wala akong pwedeng hawakan para hindi ako matumba kapag tuluyan na akong nawalan ng lakas... Paano ko tataksan ang taong gusto kong tulungan?... Paano ko tatakasan ang taong ginusto kong mapangiti?... Paano ko tatakasan ang taong nagparamdam uli sa'kin na kailangan nya ako?...

Hindi ko na alam ang gagawin ko... I need a break from all this!...

Currently feeling: bumabaliktad na sikmura

hugs?!

November 21st, 2009

ANG BAON AT ANG PAGKAWALA MO

Posted by omiko at 09:42 AM on November 21, 2009 in IT World.

Haaaysss.... at isa pa uling mas mahabang haaaaaaaysssss.... ang gulo!... kung kailan akala ko magiging okay na kami dahil wala na sila mas marami na ang nakikialam sa nangyayari sa'min at hindi namin basta basta pwedeng ipagwalang bahala yung mga komento ng mga taong yun dahil sila mismo ang nakasaksi at patuloy na nakakakita ng unti-unti naming pagkahulog sa isa't isa... at magulo rin syang mag-isip...

Kahapon sa bahay na naman sya umuwi dahil lasing sya... napipikon ako sa kanya dahil bigla na lang syang nagsabi na magbo-boyfriend na lang daw sya dahil yun naman daw ang tama... nakakainis!!! tapos nung nakahiga na kami, tsaka nya sinabi kung bakit ganun sya mag-isip... kinausap sya nun friend nya at pinagsabihan... sinabi nya kase yung tungkol sa'kin... tapos kinausap din pala sya ni mommy shei before umuwi... hindi sila against sa nangyayari pero hindi rin sila pabor... wrong timing nga siguro na dumating ako sa buhay nya habang on the rocks ang relasyon nila ng pare nya... tapos ako pa yung tinakbuhan nya nung naghiwalay sila at sa'kin pa talaga sya umiyak... sabi ni mommy shei, "pabayaan mo munang gumaling yung sugat... hindi yung pinapagaling mo nga yung sugat mo pero gumagawa ka na uli ng panibagong sugat..." Tama naman talaga si mmomy shei eh... Pero naisip din ba nila na tinutulungan ko nga si SAnjo na gumaling... pero pakiramdam ko ako naman ang nasusugatan sa nangyayari... mahirap din para sa'min ni Sanjo yun dahil may nasimulan na rin kami... Nasa gitna na nga eh... tapos biglang kailangan tigilan para mag-isip muna... Ang hirap iwasan ang isa't isa para magkaroon kami ng space mag-isip kung palagi naman kaming nagkikita at magkasama... pero if this is what it takes to make her at peace, papabayaan ko muna syang mag-isip kahit mahirap sa'kin... napaiyak na naman ako... lagi na lang akong umiiyak sa harapan nya... pakiramdam ko ang hina hina ko kapag kasama ko sya... mas nararamdaman ko na babae ako kapag kasama ko sya kumpara kapag totoong lalake ang kasama ko... try namin kung kaya namin bumalik sa dati... yung friends lang talaga... yung walang hugs and kisses... hindi na rin sweet... di na rin muna sya pupunta sa bahay... sana kayanin ko... sana kayanin namin... sana makapag-isip sya... sana pabor sa'kin yung maging desisyon... ayoko syang mawala sa'kin... hindi ngayon... selfish nga rin siguro ako... tulad ng sinasabi nya na selfish din sya... pero kailangan nya muna gumaling sa sugat na binigay ni pare bago kami maging ayos... hindi ko alam kung maghihintay ako o papabayaan ko na lang uli kung saan ako dadalhin ng agos ng buhay...

Tapos kanina, ang lungkot lungkot nya habang nakatingin sa'kin during our team meeting... Gusto ko syang tanungin kung ano ang problema pero kailangan na namin mag-log in... kinausap nga sya ng team leader namin dahil nakitang malungkot sya eh... tapos kinuwento nya rin sa'kin nung break namin... ayun... tapos nag-vgh sya at nagpaalam na may aayusin lang pero babalik sya... iniwan pa nya sa'kin yung baon nya... so, akala ko babalik sya... pero hindi nangyari... natapos ko na nag shift, nag-text na ako sa kanya pero walang Sanjo na dumating... Wala rin reply sa text ko... malakas pakiramdam ko na yung pare nya ang pinuntahan nya... Ewan ko ba... siguro kailangan ng closure... O siguro aayusin nila uli yung relasyon nila... Pakiramdam ko malulunod na ako... sa lungkot at pag-aalala... sana naman magparamdam sya para makatulog ako... kung bumalik sya dun sa pare nya sana bigyan nya rin ako ng closure... para hindi ako nakabitin sa alanganin... 

Currently feeling: worried

hugs?!

November 19th, 2009

DVD MARATHON AT ANG TAKOT MAG-ISA

Posted by omiko at 09:09 AM on November 19, 2009 in IT World.

Dami na uli nangyari after ng last post ko... totoong rollercoaster ride talaga ang nangyayari sa'min ngayon... masaya-malungkot-masaya... palaging extremes... walang sakto lang... ganun talaga siguro kapag bago...

Matapos ang pag-amin, hindi ko na alam kung saan kami dinadala ng nararamdaman namin sa isa't isa... araw-araw may bago... kinausap na rin kami ni norms kung ano ang balak namin gawin?... actually, si Sanjo lang naman ang may problema kase sya lang naman ang may sabit... hindi nya alam kung paano hihiwalayan yung pare nya pero ayaw nya akong lumayo sa kanya... She's torned between what she have with that girl and what she enjoys when she's with me... hindi ko naman sya kayang papiliin... hindi ko gawain yon... kaya all I need to do is to wait for her to realize my worth...

The following day, hindi pa lumilipas yung feeling na kailangan ko pang maghintay ng matagal, bigal na lang nagselos ang pare nya at tinapos na ang relasyon nila... gusto kong maging masaya para sa'kin dahil at last free na sya pero hindi ko magawa dahil nakikita kong nasasaktan sya dahil sa nangyari... Hindi man lang sya binigyan nung girl ng pagkakataon para magpaliwanag ng ayos... Hindi kami sabay umuwi that time dahil kailangan nya dalhin sa office nun girl yun book na hiniram nya... mag-isa lang ako umuwi pero pagdating ko ng boni nag-text sya at nagpapahintay... gutom na daw sya... hinintay ko naman sya sa Mcdo... while waiting, katext ko si brit at si bunso... Bitter si bunso nun nalaman na may bago na akong pinagkakaabalahan... lalo siguro syang magiging bitter kung malalaman nya na babae si Sanjo... haha... Ang bagal nya kase tsaka malabo talaga dahil kapatid nga sya ni ex... mas mabuti if we'll stay friends para masaya ang lahat sa huli... Dumating na si Sanjo at bumili kami ng sundae tapos umuwi na... She's trying to be normal and coll sa harap ko pero alam kong hindi sya okay... Ang dami nyang kwento na hindi naman related sa nangyaring hiwalayan... naguguluhan ako pero pinabayaan ko lang sya... siguro yun ang way nya para mawala ang tensyon na nararamdaman nya... mayamaya matapos ang mahaba hababg food trip at kwento tungkol sa ibang babae, naisipan na namin matulog... pero nagkwentuhan pa rin kami... May nasabi yata akong isang word na nakapag-trigger ng current status ng nararamdaman nya kaya napaiyak sya... ayaw nya ipakita sa'kin nung una pero nalaman ko rin dahil ayaw nyang humarap sa'kin... hindi ko alam kung ano ang ggawin ko sa kanya?... Iniwan ko sya sa kwarto, tapos bumalik din ako... I tried to comfort her pero lalo syang umiyak... In between sobs, nagsasalita sya... marami syang sinabi... Dapat daw wala sya sa harapan ko... hnidi daw sya dapat sa'kin umiiyak, bakit daw sinasabi ko na okay lang sa'kin ang lahat, tao daw ako hindi bato... marami pa yon... hindi ko alam... wala yata akong pakiramdam nung mga panahong yun o umiral lang yung part ko na sobrang understanding o yung part ko na kailangan lang makinig... alam ko kaseng kailangan nya ng isang tao na makikinig ngayon... yung hindi sya susumbatan ng mga pagkakamali at pagkukulang nya... tapos, nung sober na sya at naka-recover na sa mahaba-haba ring pag-iyak, niyakap nya ako at nag-sorry... (na naman!!!) Ayaw ko nga naririnig yung word na yun eh... pakiramdam ko kase kawawa ako pag ganun... Pakiramdam ko kase talunan ako everytime na sinasabihan ako ng sorry... then she kissed me and hugged me so tight... ewan ko ba pero bigla akong napaiyak... pakiramdam ko kase last kiss yun eh... sobrang umiyak din ako sa harapan nya... hindi ko napigilan... pakiramdam ko kase kung gaano kabilis sya dumating sa buhay ko, ganun din sya kabilis mawawala... Ayokong matakot sa kinabukasan pero noong mga oras na yakap nya ako, ganun ang pakiramdam ko... parang katapusan na agad ng hindi pa nasisimulan... sobrang takot ang naramdaman ko nun... na baka kinabukasan iba na ang lahat... baka ipo ipo nga lang to at pagdaan nya, tatangayin nya lahat ng saya na dinala nya tapos ay maiiwan na naman akong malungkot at nag-iisa... ayoko... ayokong matapos ito... pero sa pagtatapos ng iyakan naming dalawa, natulog pa rin kaming magkayakap at kumukuha ng lakas sa isa'isa...

Masaya naman ang mga sumusunod na kaganapan... DVD marathon kami sa bahay tapos food trip pa rin... Hindi sya nagkukwento tungkol sa nangyari sa kanila nun pare nya at ayaw ko naman magtanong... hindi pa siguro ako ready makinig... nakikita ko naman na she's trying to be okay and I take it as my responsibilty to help her get out of that misery... Sana lang talaga, natutulungan ko sya...

Kahapon, bago sya umuwi, sabi nya sakin may na-realize daw sya.... "Ayaw nyang mag-isa..." 

Currently feeling: extremes

hugs?!

November 13th, 2009

ROLLER COASTER RIDE

Posted by omiko at 03:56 PM on November 13, 2009 in IT World.

Yan ang tamang salita kung paano ko gustong i-describe ang nararamdaman ko ngayon... kakaiba... hindi man lang magtagal ang isang feeling para hindi ako nagugulat sa mga nagiging reaksyon ko... paano ko ba sisimulan?...

November 8... Matapos ang last entry ko, bumalik uli kami sa tagaytay... Kumain lang tapos umikot sa Picnic Grove then bumalik na sa Manila... Iba na nararamdaman ko sa kanya papunta pa lang... Kung sweet kami dati, mas noong mga panahong yun... pinabayaan ko na lang ang sarili ko... nagpatianod sa sinisigaw ng damdamin ko... hindi ko muna inisip kung ano ang mangyayari pagkatapos... Gusto ko yung bagong pakiramdam para sa kanya... Gusto ko yung nangyayari... Hindi sya umuwi sa bahay nila... Sa bahay ko sya natulog or should I say, nag-stay lang pala dahil hindi naman yata kami nakatulog the whole time na magkasama kami... Kwentuhan lang... At doon ko naranasan maging pinakamasayang tao sa buong mundo... Masarap pakinggan na may nagsasabi sa'yo kung gaano ka kaimportante sa kanya at kung gaano sya kasaya dahil magkasama kayo... Nakakagulat na hindi ko pa man pala sya kilala ay alam na nya sa sarili nyang magkakaroon nang ganitong pagkakataon sa buhay naming dalawa... Lahat ng pakiramdam ko nang gabing yon parang bago para sa'kin... Overwhelming!... Compare kay ex, 200X better sya... Mas sweet, mas maalaga, mas sa lahat ng bagay... Masarap sa pakiramdam na mapaliguan ng halik in between sweet nothings... Mapagpalaya... Yan ang eksaktong salita na pwede kong i-describe ang nangyari ng gabing yon... Napakasaya... Pero ang tanong namin sa aming mga sarili ng panahong yun, "hanggang kailan tayo ganito kasaya?"....

Tapos kinabukasan, dahil sa isang text message ni tlw, nag-iba ang ihip ng hangin... eto yun, 

"Wala akong lakas ng loob gaya ni Sanjo para sabihin kay brit lahat ng nararamdaman ko. Masasabi mong alam mo pinapasok mo pero kapag pumasok na yung katotohanan.. pumaso na yung lungkot. selos at alala. mahirap. Para sa inyo pero mas mahirap para samin. Dahil alam namin na hindi ganun deserve ninyo... Kaya takot na takot akong sabihin lahat kay brit dahil ayoko sana na lumalim pa.."

Dahil sa text message na yan, bigla na lang nyang gustong itigil ang lahat... yung mga masayang nasimulan dahil mali... kapag naiisip nya yung pare nya, nakakaramdam sya ng guilt dahil alam nyang nakakagawa sya ng kasalanan, sadya man o hindi sadya... Pero aminado syang masaya sya kapag kasama ako... dahil ibang iba nga ang ugali ko sa pare nya...

Sumunod na araw, VGH kami ng maaga... Sumama kami sa inuman ng mga bago sa team namin... Masaya... Nagwala ako sa videoke stage kasama isa kong teammate... Tapos nung medyo lasing na ako, medyo naging touchy na ako kaya nakita ng mga teammates ko na magkahawak kami ng kamay... Nagtanong na sila nang nagtanong kung ano ba talaga ang real score... hinihiritan pa nga nila na mag-kiss daw kami pero hindi namin ginawa... Inuwi nya ako sa bahay namin... Nag-stay muna sya... Pinaliguan uli ako ng halik at nang mahihigpit na yakap... Masarap sa pakiramdam... Sana... Pero sabi nya sa'kin hindi bagay sa'kin maging kabit... Dapat ako lang mag-isa... Pero ang problema nga may pare na sya... Pero sabi nya kapag kasama nya ako, hindi nya naiisip yung pare nya... nakakalimutan nya lahat... Tinatanong nya ako kung talagang ayos lang sa'kin ang sitwasyon, sinabi kong oo dahil pakiramdam ko ng mga panahong yun basta kasama ko sya, ayos lang ang lahat sa'kin... tapos umuwi na sya noong nakita nya medyo okay na ako...

Kinagabihan, nagsabi sya agad na hindi sya sasabay sa'kin pag-uwi dahil pupuntahan nya si pare nya... Hindi ko alam kung bakit nagulat pa ako nung sinabi nya yun at natawa sya sa naging reaksyon ko... tapos the whole shift yata nyang inaliw ang sarili nya sa Pugad Baboy Book... Haays... Kulang na lang hindi nya ako pansinin... Pakiramdam ko gumagawa lang sya ng excuse para hindi ako kausapin... Mag-isa na naman akong umuwi... Hindi na naman ako makatulog, knowing na magkasama sila ngayon ng pare nya... Kahit pala alam ko kung saan ako lulugar sa buhay nya, hindi ko pa rin maiwasang hindi makaramdam ng hindi maganda... Selos yata ito... Kahit alam kong hindi dapat maramdaman... Ka-text ko lang si brit na may malaki ring problema...

Tapos kanina, uber kulit na naman nya... Haaysss... hindi ko sya maipaliwanag... Bakit kase kung hindi na sya kontento sa isa, iwanan na lang nya yun tapos sakin na lang sya... Para tapos na ang usapan... Kaya lang hindi madali para sa kanya ang lahat... Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan nila ng pare nya at kung gaano kalalim ang nararamdaman nya dun para mag-demand ako na ako na lang ang piliin nya... Ang magagawa ko lang ay maghintay o kusang suluko... Tapos sa jeep, sabi nya simula daw bukas iiwasan na nya ako... Hindi ako makapagsalita... Ganun ganun na lang ba yun?... Pagkatapos ng lahat ng mga sinabi nya sa'kin, ng mga ginawa nya, bigla na lang mawawala?...

Sabi nya, ayaw nya akong masaktan kaya ayaw nya na lumalim pa ito... Kung ganun din lang pala, hindi na sana nya sinimulan... ang tahimik ng buhay ko eh... tapos bigla syang dumating... At ngayon kung kailan inamin ko na sa sarili ko na converted na nga ako at posible na ang ganitong relasyon tsaka naman nalaman ko na marami palang komplikasyon ang lahat... haaaaysss.... hindi na happiness to!... Sana bago sya tuluyang lumayo, ipaliwanag nya muna sa'kin ang lahat para maintindihan ko...

.

.

.

eto na naman ako...

 

 

Currently feeling: ipo ipo ng damdamin

hugs?!

November 7th, 2009

KFC AT ANG PAG-AMIN

Posted by omiko at 10:16 AM on November 7, 2009 in IT World.

Leave sya ngayon... wala akong kasama mag-lunch, wala akong kasabay umuwi... this is my time to think... to pause and reflect... sobrang naguguluhan na kase ako sa nararamdaman ko... hindi ko na maipaliwanag o hindi ko lang matanggap sa sarili ko na converted na talaga ako... ayokong entertain yung pakiramdam kase alam kong hindi pwede... ang hirap... buti sana kung lalake sya...

Matapos ang nakakabaliw na trip to tagaytay at ang mga random text messages, napatunayan kong hindi pala basta-basta tong nangyayari sa'min ngayon... apektado na kaming dalawa... mahirap kaseng ipaliwanag... tapos masyado kaming honest sa isa't isa kaya alam namin ang lahat ng nangyayari sa loob namin... nakakaramdam na sya ng guilt dahil pakiramdam nya nagiging unfair na sya sa gf nya... sorry sya ng sorry sa'kin dahil pakiramdam nya nagulo nya ang buhay ko... naiisip na nya na sana ako na lang ang gf nya kase marunong akong makinig... may tiwala ako sa kanya... kaya kong tumawa sa mga jokes nya... at nasasakyan ko ang kakulitan nya... parang ako ang LIFE'S LESS SERIOUS SIDE side nya... pero hindi nga ako ang girlfriend nya...

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin kaya kahapon habang magka-text kami napaiyak ako... hindi dahil nasasaktan ako kundi dahil gulung-gulo na ako sa nararamdaman ko... natural raction ng katawan ko kapag hindi ko na alam ang gagawin... gusto nya akong puntahan pero sinabi kong wag na... ayokong makita nya akong umiiyak... kahit nga si ex never akong nakitang umiiyak eh... hindi ko lang talaga naipaliwanag ang nararamdaman ko kaya iniiyak o na lang...

Masarap sanang pakinggan na ako yung hinahanap nya pero hindi pwede... hindi ko rin alam kung kaya kong panindigan ang lahat ng ito... tsaka baka mamaya kung dadalhin namin sa susunod na level ang relasyon namin hindi mag-work out... natatakot ako... hindi ko rin alam kung ano tong nararamdaman ko...

Sana nga, it's just a phase!

+++++++++++++++++++++++++++++++++

"hmm.. naiisip ko kase na sana ikaw na lang gf ko.. masyado akong napagod sa nagyari sa'min ni gf.. dumating sa point na nawala tiwala nya sa'kin.. di ko alam kung mababalik pa.. parang di na kami honest sa isa't isa.. mahal nya ako, mahal ko din sya pero wala namang trust.. sa'yo pwede akong magsabi kahit ano.. Makikinig ka.. alam kong may tiwala ka sa'kin.. ewan ko ba.. I know it's wrong.. Siguro nagkakaganito lang ako kase nga napagod ako sa nangyari sa'min ni gf tapos sakto naging close tayo.. Napunta sa'yo atensyon ko.. wag ka aman sana magkwento kahit kanino about this.. Ayokong ma-stress tayo pareho.. di ba nga sabi mo, wag i-entertain yung feelings.. I'll work this out.."

----SanJo

 

 

Currently feeling: sad and confused

5 hugged me

November 2nd, 2009

COOL

Posted by omiko at 11:12 PM on November 2, 2009 in IT World.

Yan ang eksaktong salita kung paano nya gustong i-describe ang current status namin... Pero mahirap maging cool lalo na kapag alam kong may kakaibang transformation na nangyayari sa sarili ko...

Matapos nya akong iwasan ng halos 2 araw parang hindi nya ako natiis... Magkasabay kami pumunta sa mrt noong linggo para umuwi... ako sa tagaytay, sya naman sa San Juan... Kasama nya yung isa naming teammate na papunta din north... Nagbayad na kami at naghiwalay na ng escalator... ako sa kanan, sila sa kaliwa... Malapit na ako sa taft ave. station nung tumawag sila at nagsabing hintayin ko daw sila para kumain... Kahit medyo nawierdohan ako sa kanila, hinintay ko pa rin sila... next train bumaba na sila tapos kumain kami sa mcdo... bumalik na naman ang kakulitan nya... dahil problemado yung isa namin teammate pinapayuhan namin sya... pero in between serious lines palaging may bloopers kaya tawa kami ng tawa sa loob ng mcdo... walang pakiaalam kahit pinagtitinginan na kami ng mga taong gusto lamang mag-almusal don... tumagal siguro kami ng 2 oras dun tsaka namin naisipang umuwi na... isasakay lang daw nila ako ng bus tapos itong si teammate1 biglang nagatanong kung kelan kaya sya makakapunta sa tagaytay dahil hindi pa daw sya nakakapunta dun... Sbi ko naman, ngayon na... Why not!... Aba at pumayag nga ang mga IT... so kasama ko silang umuwi sa tagaytay...

Sa byahe, masyado kaming makulit... bumalik na uli sya sa dati... hindi siguro makatiis na hindi ako kulitin... Masaya ako na okay na uli kami pero kinakabahan ako sa kung ano man ang nabubuong pakiramdam ko... Baby's day out pa yung movie sa bus... tawa tuloy kami ng tawa lalo... my god!... sobrang nae-enjoy ko ang company nya talaga... mahirap tuloy i-distinguish kung friendly feelings lang yung meron sa'min o there's something else... kumain lang kami sa bahay, nakiligo sya tapos nagkwentuhan lang... yung balak nilang pumunta sa picnic grove para mamasyal hindi na natuloy... next time na lang daw pagbalik nila... Nakakatawa kase parang hinatid lang nila ako sa bahay... nakakatawa kase parang yun pa yung naging susi para lalo kaming maging malapit sa isa't isa... At sikreto lang ang pagpunta namin dun... walang tropa ko ang dapat makaalam dahil issue na naman yun... Ang hirap umiwas!!!

Tapos maghapon kaming magkatext ngayon.. kung anu anu lang... tapos napunta na naman sa posibilidad na ma-convert ako at ang pag-iwas nya... na ayaw kong payagan dahil hindi naman valid yung reason nya para umiwas ako... Bukod sa ayaw nya ma-convert ako, ayaw na nya na sweet ako sa kaya at ayaw na rin nya na masyado akong concern sa kanya, ayaw na rin daw nya na magse-send ako ng masyadong patama na qoutes... Ang reason nya, kung magpapatuloy daw ako sa mga ganun kong gawain, baka ma-fall na daw sya sa'kin... natatawa ako sa reason nya pero parang kinilig rin ako ng onti... palagi nya akong tinatanong kung converted na daw ba ako o may gusto na daw ako sa kanya?... nagbigay ako ng reason at sagot na alam kong gusto at dapat nyang marinig... sinabi kong ganun din ako sa lahat ng friends ko, sweet, concern at palaging nagse-send ng mga kung anu anong quotes... hindi ko na sinabi sa kanya na naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko dahil malamang hindi na naman nya ako kakausapin kapag nagkita uli kami... Sinabi ko rin sa kanya na wag nyang entertain yung feelings para hindi lumaki... mukhang na-convince ko aman sya sa naging sagot ko... kaya ngayon cool lang kami... super cool na hindi na namin alam kung saan kami pupulutin kapag nagpatuloy pa kami sa pagiging malapit sa isa't isa...

Tinatanong ko nga ang sarili ko ngayon kung kaya ko ba ang consequence ng pagiging converted?... kaya ko na bang masaktan uli?... kaya ko na bang buksan uli ang puso ko?... Gaano na ba kabukas ang utak ko sa same sex relationship?... kaya ko bang mang-agaw para lang maging masaya ako?...

Kailangan ko ng sagot... hindi ko na alam kung kanino ako lalapit... bago sa'kin tong pakiramdam na to... hindi ko nga matukoy kung ano eh... baka mamaya, natutuwa lang ako sa kanya kase bago... hindi ko alam... kailangan ko ng matinong sagot...

 

Currently listening to: cool-gwen stefani
Currently feeling: super confused

4 hugged me

October 31st, 2009

ANG CHOCOLATE BROWNIES AT ANG PAGPAPALIT ANYO

Posted by omiko at 09:34 AM on October 31, 2009 in IT World.

Seryosong bagay na daw ito, sabi mo... Mukhang iba na kase yung sitwasyon... Akala ko pa naman madali lang mabuhay sa paligid mo... Hindi pala... Tsaka ang alam ko sa sarili ko bago kita makilala hindi ko preference ang mga tulad mo... Wala akong itinago sa'yo... Lahat ng mga worries ko tungkol sa issue sa ating dalawa o yung mga iniisip ng mga tao sa totoong score sa bigla nating pagiging malapit sa isa't isa, lahat sinabi ko sa'yo yun... Kase alam kong ikaw lang ang pwede kong sabihan nun ngayon na walang bias judgement... Alam kong mas alam mo kung ano ang dapat gawin sa sitwasyon kase halos lahat siguro napagdaanan mo na tungkol sa ganitong mga pagkakataon... Komportable akong sabihin sa'yo lahat ng nasa loob ko dahil alam kong maiintindihan mo...

Tapos.......

Bigla ka na lang nag-sorry sakin dahil sabi mo, nagulo mo ang mundo ko... Humingi ako nang paliwanag... Sabi mo kung hindi naman ako naging malapit sa'yo hindi sila magdududa sa preference ko... Tapos sabi mo hindi mo na ako kukulitin... Natatakot ka na kase na baka ma-convert mo na nga ako... Sinabi kong wala silang pakiaalam pero parang nakagawa ka na ng desisyon mo... Sumunod na araw na nagkita tayo, parang hindi na ikaw yung taong huli kong nakausap sa pag-uwi natin kahapon... Pakiramdam ko, gumawa ka na talaga ng distansya sa pagitan nating dalawa... Hindi mo ako iniiwasan pero hindi ka na nangungulit sakin tulad ng dati... Parang may malaking parte ng araw ko ang nawala dahil bigla ka na lang naging ganyan... Ngayon, dahil sa ginagawa mo, lalo tuloy akong nagdududa sa sarili ko... Pakiramdam ko, may posibilidad talaga na magpalit ang preference ko... Tapos kung kailan kailangan ko ng tulong mo tsaka mo pa naisipang umiwas... Sino na sasabihan ko ngayon ng trouble ko tungkol sa preference ko?... Paano nga kung posible talaga?... May magagawa ka ba?...

Nga pala......

Nakakaramdam na rin ako ng selos kapag may ibang lumalapit sa'yo... Pakiramdam ko kase lahat yun gustong maging girlfriend mo... Ayoko silang makita at nasisira ang araw ko... Tulad kanina, yung babaeng pula ang buhok na nasa istasyon mo, gusto ko syang kalbuhin... Haaaayssss... Ano ba'ng ginawa mo sa'kin?...

 

p.s.

Thank you nga pala sa chocolate brownies na binili mo para sa dessert kanina... kahit na hindi ka na ganun kakulit, sweet ka pa rin...   

Currently feeling: jealous

1 hugged me

« Newer | »